Tuesday, September 20, 2005

"Buy me a Drink, Sell me a Dream"

That was the title of an article i have read last saturday. I wont mention anymore the name of the newspaper but for me this article is really offensive. why? hindi ko alam kung paranoid lang ako but of course this is in connection with what had happened a week ago about a Filipina DH who brutally murdered and mulitated her friend. Sobrang na de-grade ako dahil sa hindi magandang nasulat patungkol sa akin (bilang isang Filipina) at sa aking mga kabaro. Totoong karamihan sa mga DH na nandito ay may sinusustentuhang pamilya sa Pilipinas pero hindi lahat ay naghahanap ng "asukarera de papa". Di natin maiaalis na meron ngang mga ganon pero sana lang wag namang i-generalize dahil pati yung iba ay naaapektuhan.

Sa isang banda, di rin naman natin masisi ang mga nagsusulat dahil ng minsang napagawi ako sa lucky plaza ay naku nag init ang ulo ko. Sobrang laswa ng ilang kababayan natin na namamasayal doon kung araw ng linggo. Halos tatlong patong na ang kamot sa tyan ay di man nahiya na itago iyon at todo "abresiete" pa sa negrong "anaps" na ewan kung saan nadambol.

Di ko alam kung saan ipupukol ang sisi sa kanila ba o sa gobyerno natin? Kung ang inaatupag ba naman kasi ng ating mga mambabatas ay mabigyan ng maayos na trabaho dyan ang ating mga kababayan e di wala sanang ganito. At kung ang mga kababayan ba naman sana natin dito ay lumalagay sa lugar e di sana di tayo nakakahiya ngayon. Naku ewan, siguro nakakapagsalita ako ng ganito dahil wala ako sa kalagayan nila pero kahit na, galing din ako sa hirap pero ni minsan di ko naisip na gumawa ng mga bagay na di tama.

To be honest.. paranoid na nga siguro ako because after that incident nahihiya na akong lumabas ng house, hay..... di bale lilipas din ang balitang iyan....

5 Comments:

Blogger Owen said...

This comment has been removed by a blog administrator.

5:52 PM  
Blogger Owen said...

uy, there's something to read here.

im sorry that you felt offended with the article. let's just see things at the brighter side of them. take for instance, in today's paper, one Filipina DH wrote and expressed how fortunate she is that there are still a lot of open-minded singaporeans, especially her employer, who never ostracized her even after the incident.

keep on writing, ill watch this space!

5:55 PM  
Blogger Tanggero said...

ang puso mo, hehehe.
Sad to say, mababa talaga ang tingin sa ibang kababayan natin dito at sa iba pang bansa.

11:28 AM  
Blogger olive said...

owen, tanggerz - okay na ako, nailabas ko na ang asar ko. kakahiya talaga kasi... sana lang matauhan na sila sa nangyari.

12:42 PM  
Blogger duke said...

hello olive!

nakakalungkot nga isipin ang mga nangyari duon so Filipina dyan sa Singapore. Meron lang talagang mga ganyan. Lilipas din ang mga kuwento.

3:35 PM  

Post a Comment

<< Home