Sunday, June 19, 2005


censored....


Singapore bird park


at the zoo


baby kulit


one month after


first day in singapore

my first day @ blog

oh my, dont know what to say... actually di ako prepared ito kasing si owen ang maisipan... it is supposed to be a leisure day kasi we already celebrated father's day kahapon.. while watching tv bigla nyang sinabi na " alam mo olive dapat mag start ka na mag blog", i replied, " ano yon"? then he suddenly rushed into his room at pag balik bitbit na ang kanyang laptop. i was hesitant at first kasi wala ako sa mood mag sulat saka isa pa medyo kinakalawang na ang mga english ko. ganon yata pag matagal kang na stuck sa bahay, nabobobo alam nyo na mommy na ako. wala ng inatupag kundi ang aking panganay (hubby ko) at ang aking 2nd baby (jacob). well di nyo mahihindian si owen . gagawin nya ang lahat para madala ka sa mundo nya. parang sapilitan baga but you will thank him later kasi okay naman pala. then sabi ng hubby ko, "naku owen but mo tinuruan, sa friendster lang napupuyat na yan". hay selos na naman....... hehehe, sobra..

father's day... mamaya i'll call my dad.... dad daw ohh.. (pasosyal lang po ng konti actually tatang) then we will go to church kasama naman ang aking mag ama, yan ang life ko dito. medyo nakakainip, wala pa kasi akong work. hinihintay ko na lang lumipas ang mga araw para maging big boy na si baby ko by then siguro papayag na si daddy na mag work ako. hay.... life... pero happy naman syempre... ok stop na muna ang kwentuhan.... next time ulit... bukas hehehe.