Tuesday, February 07, 2006

Shopaholic!

"Confessions of a Shopaholic by Sophie Kinsella", i just finished reading this book and i am really overjoyed. Grabe, in a way nakaka-relate ako sa story it's just that i am more discreet when it comes to shopping. I dont buy things I don't really need.

When I was still single, I used to window shop almost everyday. Bakit hindi, eh katabi ko lang naman ang SM North, only 2 minutes drive from where i live. Before, when I am not earning that much I am contented on having just 3 pairs of tops and bottoms which I use alternately in 5 days. Medyo nakakahiya sa mga officemates ko pero wala akong paki yun lang muna ang kaya ko. As time goes by, unti-unti kong nakilala ang mga signature at branded clothes and syempre i dreamed of having them. Nang napasok na ako sa hotel, hayun talagang dapat maayos ang pananamit mo lalo pa't nasa sales ako. Buti na lang at bunso ako sa aming magkakapatid so in a way nasustentuhan din nila ako ng mga gamit na di kayang bilhin ng kakarampot kong sweldo.

So before igot married, I can say that in a way eh na experienced ko naman makapagsuot ng mga gamit na sabi nila ay branded. Pero up to now addicted pa rin ako sa shopping, every sunday after mass i never forget to pass by at esprit sa raffles city. Route ko na yan bago makarating sa Suntec City kung saan ang isa pa sa destination ko ay ang La coste. Patingin-tingin lang naman and if ever bibili man ay para kay baby at sa hubby ko.

Ang isa lang yata sa talagang di ko maiwasan ay ang pagbili ng bag, naging hilig ko na ito buhat ng makapag trabaho ako. Medyo naaasar na nga yata si hubby kasi bili ako ng bili eh di ko naman ginagamit, natutuwa lang ako na tinitingnan sila habang nasa loob ng cabinet. Sa loob ng isang taon na pag tira namin dito sa Singapore ay limang bags ang nabili ko aside pa sa X-mas gift ni Owen sa akin from US at bukod pa sa apat na dala ko from Pinas. Sa katunayan nga may mga naiwan pa ako sa amin na pinatago ko sa nanay ko, di ko alam kung ilan pero sa last count ko ay more than ten siguro. Grabe! at wala akong balak na tumigil basta't kaya kong bilhin and di rin ako natatakot na ma-deport kahit saan makarating dahil i am sure na di ito mga immitations. Ang yabang ng lola di bah, sensya na po pero yan ang totoo. Sana lang si hubby eh, sustentuhan pa rin ang luho na asawa nya kahit matanda na kami.

hirap ng addict sa shopping noh?!!!